Obrero nakuryente sa bubong ng kagawad

TODAS ang isang construction worker matapos itong aksidenteng makuryente nang mahawakan ang high tension live wire sa bubong ng bahay sa Bayambang, Pangasinan noong Sabado nang umaga.

obrero nakuryente sa bubong ng kagawad - Obrero nakuryente sa bubong ng kagawad
construction worker - Obrero nakuryente sa bubong ng kagawad

TODAS ang isang construction worker matapos itong aksidenteng makuryente nang mahawakan ang high tension live wire sa bubong ng bahay sa Bayambang, Pangasinan noong Sabado nang umaga.

Kinilala ng Bayambang Police Station ang biktima na si Henry Dela Verde, 24-anyos, construction worker, ng nasabing bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Bayambang Police Station (BPS), kasama umano ng biktima ang ibang mga kapwa construction worker at inaayos ang bubong ng bahay ni Barangay Kagawad Rolly Giba nang bigla umanong hinawakan ng biktima ang live wire ng linya ng kuryente.

Sinabi ng BPS, ayon sa isang kasamahan ng biktima na si Gerry Malayos, 21, binalaan na nila ang biktima tungkol sa naturang linya ng kuryente ngunit nagbiro pa rin ito at hinawakan na naging sanhi ng kanyang (biktima) pagkakuryente.

Agad naman itong isinugod sa Bayambang District Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival dahil umano sa 3rd degree burn na tinamo sa kanyang katawan.

(Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *