NYC chair Cardema go na go sa party-list

NILINAW ng Commission on Elections (Come­lec) na hindi pa disqualified si National Youth Commission chairman Ronald Cardema bilang substitute nominee ng Duterte Youth Party-list.

The post NYC chair Cardema go na go sa party-list appeared first on Abante News Online.

nyc chair cardema go na go sa party list - NYC chair Cardema go na go sa party-list
Ronald Gian Carlo Cardema - NYC chair Cardema go na go sa party-list

NILINAW ng Commission on Elections (Come­lec) na hindi pa disqualified si National Youth Commission chairman Ronald Cardema bilang substitute nominee ng Duterte Youth Party-list.

Ang paglilinaw ay ginawa ni Comelec Director Frances Arabe matapos ianunsyo ng poll body na ang deadline sa substitution ng mga party-list nominee ay paso na.

Giit ni Arabe, ang deadline ng substitution ng mga party-list nominee base sa umiiral na pa­nuntunan ay sa mismong araw ng eleksyon at hindi sa Nobyembre 29, 2018 na unang napaulat.

“The deadline for substitution and withdra­wal is on the day of the election. Before the close of voting, so at May 13, at 6 p.m. is the deadline for withdrawal,” ani Arabe.

Paliwanag pa ni Arabe, ang Duterte Youth Party-list na pinamumunuan ni Cardema ay naghain ng petisyon para sa substitution sa Co­melec Law Department noong gabi ng eleksyon, Mayo 12 at hindi Mayo 16 ayon sa pahayag ni Kabataan Partylist Rep. Sara Elago.

“‘Di ba may 1-2-3-4-5 nominees ‘yan? If the no.1 withdraws, (the next in line nominee) it would automatically go up. No. 2 will become the first nominee. No. 3 will be no. 2. In the case of Duterte Youth, everyone withdrawn. So nag-withdraw ‘yung lima,” ayon pa kay Arabe.

Base sa partial at unofficial result ng Come­lec transparency server, ang Duterte Youth ay nakalikom na ng 346,245 boto base sa 86,300 ng 87,851 clustered precinct na na-transmit at sa pangkalahatan ay nasa ranggong pang-21. (JC Cahinhinan)

The post NYC chair Cardema go na go sa party-list appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *