NY pastor inurirat sa pondo ng simbahan

DAHIL sa sunod-sunod na rally at pag-usisa ng mga Pinoy parishioner, napilitang maglabas ng financial report ang pamunuan ng St. Sebastian Parish sa Woodside, Queens sa New York para pakalmahin ang mga kumukuwestiyon sa pondo na mula sa donasyon at fundraising ng simbahan.

The post NY pastor inurirat sa pondo ng simbahan appeared first on Abante News Online.

ny pastor inurirat sa pondo ng simbahan - NY pastor inurirat sa pondo ng simbahan
priest - NY pastor inurirat sa pondo ng simbahan

Ni Dave Llavanes Jr.

DAHIL sa sunod-sunod na rally at pag-usisa ng mga Pinoy parishioner, napilitang maglabas ng financial report ang pamunuan ng St. Sebastian Parish sa Woodside, Queens sa New York para pakalmahin ang mga kumukuwestiyon sa pondo na mula sa donasyon at fundraising ng simbahan.

Batay sa Financial report na ipinamahagi sa mga nagsimba, lumalabas na bangkarote ang simbahan noong nakaraang taon.

Nakalikom ng pondo ang simbahan ng aabot sa isang milyong dolyar noong 2018 pero abunado pa ito ng mahigit sa pitumpung libong dolyar dahil kinapos ang pondo ng simbahan.

Pero kinuwestiyon ng grupong Catholic Movement for Transparency ang isang pahinang Financial report dahil bukod sa walang letter head ng simbahan hindi rin nakasaad sa dokumento kung sino at paano ginawa ito.

Ayon sa tagapagsalita ng CMT na si Jimmy Dizon, hindi certified at hindi malinaw ang breakdown kung paano ginastos ang pondo.

Bukod pa dito hindi pa rin daw inilalabas ng simbahan ang financial report para sa taong 2014 – 2017

Bagama’t hindi mandatory ang paglalabas ng simbahan ng Financial report mas makakabuti daw kay Pastor Kevin Abels na iulat ito sa mga parishioner tulad ng ginagawa ng ibang simbahan lalo pa’t kinukuwestiyon ng mga parishioner kung saan at paano ito ginagastos ng simbahan.

Para sa patas na pagbabalita sinubukan kunin ng Abante ang panig ni Pastor Kevin Abels pero hindi ito sumasagot sa amin.

The post NY pastor inurirat sa pondo ng simbahan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *