Nutribun, Klim milk ibabalik ni Isko

BUBUHAYIN ni Manila Mayor-elect Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso ang pagpapakain ng ‘nutri-bun’ at pagpapainom ng Klim milk sa lahat ng pampublikong mag-aaral sa elementarya sa Lungsod ng Maynila.

The post Nutribun, Klim milk ibabalik ni Isko appeared first on Abante News Online.

nutribun klim milk ibabalik ni isko - Nutribun, Klim milk ibabalik ni Isko
ABANTE isko 1 - Nutribun, Klim milk ibabalik ni Isko

Ni Juliet de Loza-Cudia

BUBUHAYIN ni Manila Mayor-elect Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso ang pagpapakain ng ‘nutri-bun’ at pagpapainom ng Klim milk sa lahat ng pampublikong mag-aaral sa elementarya sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Moreno, mula kinder hanggang Grade 6 ay pakakainin ng nutri-bun at paiinumin ng Klim milk.

Sinabi ni Moreno na prayoridad rin niya ang kalusugan ng mga batang Manilenyo.

Alam umano niya ang nararamdaman ng isang estud­yante na kumakalam ang tiyan pagpasok sa paaralan kaya titiyakin niya na mabubusog ang mga batang Manilenyo sa paaralan.

Ang iba ay medyo abala ang mga magulang sa kanilang mga trabaho kaya dahil sa pagmamadali ay hindi na napapakain ang mga anak sa pagpasok sa paaralan.
Ang iba naman mga bata ay talagang pumapasok sa paaralan na walang laman ang tiyan dahil kapos ang mga magulang sa pambili ng pagkain.

“Kapag busog ang mga bata ay magiging malusog sila at ganadong mag-aral,” ayon kay Moreno.

The post Nutribun, Klim milk ibabalik ni Isko appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *