NutriAsia-Campos pananagutin sa binuldozer na mga worker

NUTRIASIA-CAMPOS PAPANAGUTIN SA BINULDOZER NA MGA WORKER

KINALAMPAG ni Senador Joel Villanueva ang Department of Labor and Employment (DOLE) upang imbestigahan ang marahas na pagbuwag sa welga ng manggagawa ng NutriAsia (NIA) sa Cabuyao City, Laguna noong Sabado nang umaga.

The post NutriAsia-Campos pananagutin sa binuldozer na mga worker appeared first on Abante News Online.

nutriasia campos pananagutin sa binuldozer na mga worker - NutriAsia-Campos pananagutin sa binuldozer na mga worker
nutria asia - NutriAsia-Campos pananagutin sa binuldozer na mga worker

KINALAMPAG ni Senador Joel Villanueva ang Department of Labor and Employment (DOLE) upang imbestigahan ang marahas na pagbuwag sa welga ng manggagawa ng NutriAsia (NIA) sa Cabuyao City, Laguna noong Sabado nang umaga.

Ayon kay Villanueva, chairman ng Senate labor committee, kailangan tingnan kung may nilabag ang kapulisan matapos nilang arestuhin ang 17 miyembro at lider ng unyon nang walisin ang mga nagpoproprotestang manggawa.

“We ask the Dole to intervene and look into the matter. Cooler heads must prevail in the situation,” reaksyon ni Villanueva sa kanyang text message sa Abante.

Matapos arestuhin, plano ng kompanya na kasuhan pa ang mga inarestong mga lider ng unyon.

Kasong direct and indirect assault, serious and slight illegal detention, alarm and scandal, physical injuries, threats, coercion, robbery, occupation of real property, arson at malicious mischief ang nakatakdang ikasa sa mga inarestong manggagawa ng NutriAsia.

Ayon kay Hermie Marasigan, national president ng labor alliance na Olalia-Kilusang Mayo Uno, hinagisan ng bato, binuhusan ng mainit na tubig at binuldozer ang mga welgista.

Ngunit sa statement ng NutriAsia, ang mga welgista ang naghagis ng bote at nagbuhos ng kumukulong tubig sa mga security guard gayundin sa mga rumespondeng pulis.

Itinanggi rin ng NIA na empleyado nila ang mga nagwelga kundi mga empleyado ng service provider na B-Mirk Enterprise Corp., Serbiz Multi-Purpose Cooperative at ANR Multipurpose Cooperative na mga co-locator ng pabrika ng NIA sa Cabuyao.

Nabigla umano ang kompanya sa pagwewelga ng mga empleyado dahil sa pagkakaalam nila ay nasa National Conciliation and Mediation Board (NCMB) ang usapin.

Noong nakaraang taon, nagkaroon din ng welga ang mga manggagawa ng NIA sa Bulacan na nauwi sa madugong dispersal ng pulisya.

Ang Nutriasia na minamay-ari ng negosyanteng si Joselito Campos, ang gumagawa ng mga sangkap sa pagluluto tulad ng Datu Puti suka, toyo at patis; Silver Swan vinegar, soy sauce; Mang Tomas all-around sarsa; UFC banana catsup, spaghetti sauce, tomato sauce, cooking oil, sinigang sa sampaloc mix at ready recipes; Papa banana catsup; Golden Fies­ta cooking oil; Locally beverage cans at Big2 purified water.

Ayon sa unyon, kahit P16 bilyon ang kinikita ni Campos, lugmok naman ang kalagayan ng mga manggagawa kahit sa kanilang pagawaan sa Cabuyao.

Sa kasalukuyan, nakakaranas ang mga manggagawa ng NIA sa Cabuyao ng malawakang kontraktuwalisasyon na umaabot sa isang dekada (sa kasalukuyan, 1,000 sa 1,100 na manggagawa nila ang kontraktuwal); hindi tamang pagbayad sa Sunday overtime; hindi tamang pagbayad sa regular overtime; hindi tamang pagbayad sa monthly contribution ng SSS/Pag-IBIG/PhilHealth; mga iligal na deduction sa pagkakatas ng uniform, annual physical, examination; hindi pagkilala sa desisyon ng DOLE na iregularisa ang 715 na manggagawa; harassment sa mga lider-unyon at pagbabanta sa mga manggagawang nakikilahok sa unyon. (Dindo Matining)

The post NutriAsia-Campos pananagutin sa binuldozer na mga worker appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *