Nurse arestado sa kidnapping sa California

KALABOSO ang isang 56-anyos na Pinay nurse na may sakit sa pag-iisip matapos na tangkain nitong kidnapin ang isang 4 na taon gulang na bata sa Cooper Elementary School sa Vacaville, California

nurse arestado sa kidnapping sa california - Nurse arestado sa kidnapping sa California
arrested 1 1 - Nurse arestado sa kidnapping sa California

KALABOSO ang isang 56-anyos na Pinay nurse na may sakit sa pag-iisip matapos na tangkain nitong kidnapin ang isang 4 na taon gulang na bata sa Cooper Elementary School sa Vacaville, California

Batay sa report ng Vacaville Police, isang tawag ang tinanggap­ nila kaugnay sa kaduda-dudang kinikilos ng isang babae na ­nakilalang si Aileen Caringal sa harap ng naturang elementary school pasado alas-otso nang umaga noong nakaraang linggo.

Bago pa dumating ang police nahablot na ni Aileen ang isang 4 na taon gulang na batang estud­yante na kahahatid lang ng kanyang magulang.

Nagpakilala umano si Aileen na teacher sa Cooper Elementary School bago tinangay ang batang biktma.

Pero nagduda ang magulang ng bata kaya sinundan niya ito at agad na tumawag ng pulis.

Paulit-ulit daw na tinawag ni Aileen na Brian ang bata kahit na hindi naman ito ang pangalan ng biktima

Kaya agad na inagaw ng magulang ang bata kay Aileen pero nakipag-agawan pa umano ang suspek sa magulang ng biktima pero ng sabihin nito na tumawag na siya ng police ay agad na itong tumakas.

Natunton naman ng mga rumespondeng pulis si Aileen sa kanyang bahay hindi kalayuan sa eskuwelahan kung saan agad siyang inaresto ng mga pulis.

Sa imbestigasyon lumalabas na may mental illness si Aileen at sabi ng dating asawa nitong si Arthur Caringal na tinigil na nito ang pag-inom ng gamot kaya ganun ang ikinikilos. Ang ­naging sakit ni Aileen ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Arthur.

Posibleng hinahanap daw ni Aileen ang kanyang anak na si Brian.­

Posibleng maharap sa kasong multiple counts ng trespassing at kidnapping si Aileen. (Dave ­Llavanes Jr.)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *