NTC kaagapay ng mga mahihirap na may pangarap sa buhay

Ang National Teachers’ College (NTC) ay isang pribado, non-sectarian educational institution na matatagpuan sa Nepomuceno St., Quiapo, Manila, na naitatag nuong September 29, 1928 nina Segundo M. Infantado, Sr. at Flora Amoranto Ylagan.

The post NTC kaagapay ng mga mahihirap na may pangarap sa buhay appeared first on Abante News Online.

ntc kaagapay ng mga mahihirap na may pangarap sa buhay - NTC kaagapay ng mga mahihirap na may pangarap sa buhay
NTC - NTC kaagapay ng mga mahihirap na may pangarap sa buhay

Ni Mina Aquino

Ang National Teachers’ College (NTC) ay isang pribado, non-sectarian educational institution na matatagpuan sa Nepomuceno St., Quiapo, Manila, na naitatag nuong September 29, 1928 nina Segundo M. Infantado, Sr. at Flora Amoranto Ylagan.

February 9, 2018 ng mabili nang Ayala Corporation (AC) ang 96% ng NTC, na naglalayong mapalawak ang negosyo nito sa edukasyon na makahubog ng magaga­ling na mga guro sa bansa.

Ang AC ay malaking katuwang ng Philippine Business for Edu­cation at kasama na ang Yuchengco­ Group, na nagpapatakbo ng Mapua University, para sa isang pagsama-sama ng kanilang mga yunit ng edukasyon.

Sa panayam ng ABANTE kay Edizon Ange­les Fermin, PhD, vice president for academic­ affairs, ito ang una­ng priba­dong eskuwelahan­ sa bansa na nag-aalok ng mura at ‘affordable’ na matrikula sa halagang P18,500 kada semetre.

Ito ay isang open admission, na ang ibig sabihin ay hindi mo na kailangan ng entrance exam at maari ka na agad makapag-reserve sa hala­gang P1,000 para makapasok.

Nasa salitang SULIT ang edukasyon na ang ibig sabihin ay S-aya U-nawa L-ingap I-ngat T-ra­baho ang naghihintay sa sinumang estudyanteng papasok dito.

Ayon kay Fermin, nasa kasaysayan ng institusyon na magbigay ng pantay at patas sa lahat para magkaroon ng mabuting edukasyon. Umpisa pa lang panalo ka na.

“Okay lang na magla­gay ng entrance, makakakuha ka nga ng magaga­ling na estud­yante pero nasaan yung challenge?…at siya ang malaking bahagdan ng mga taong gustong mag-aral, ‘yan ang matagal nang panahon na gustong pag-aralan ng Ayala. Ang daming gustong mag-aral pero hindi makapasok kasi may mga istruktura sa mga paaralan na hindi copy o hindi tumutulong sa kanila.

Kaya pinanatili nila yung disposis­yon na open admission hanggang ngayon, mula kindergarden hanggang graduate schools,” paliwanag ni Fermin.

Sinabi nito na ang NTC ay isa sa mga komprehensibong higher edu­cation institutions mula nursery hanggang gradua­te schools.

Sa katunayan aniya, ang graduate schools ng NTC ay isa sa pinakamalalaking graduate school sa Pilipinas na umaabot ng 1,500 kabuuang populasyon sa kabuuang taon.

Nais aniya ng AC na baguhin ang mukha ng edukasyon at maitaas ang kalidad nito upang magi­ng maganda at maayos ang kalalabasan ng mga mag-aaral.
Gawad Haraya (GH)

Ito ang kauna una­hang pinakamataas na pagkilala na ibinibigay ng NTC sa kabuuan sa isang natatanging estudyante.

Ibig sabihan ng Haraya ay isang freedom fullfilment of power; vision or imagination na pag­lalarawan sa isang estudyante na ginamit niya ang kanyang sariling pananaw upang maging mabuti at maayos ang kanyang buhay, basta magpursige at maniwala sa sarili.

Bawat
estudyante, may kwento ng buhay
Sinabi ni Fermin na dalawang buwan nilang pinaghandaan ang delibe­rasyon mula sa napiling 42 Cum Laude ng NTC, dito nagsimulang salain sa kabila ng kuwento na sila’y honor students, nakipagsabayan sila na may minimum requirement.

Sampung pinakamagagaling na ga-gra­duate ang kanilang napili, kung sino ang pinaka-mahusay at sino yung talagang nagsumikap sa kanyang pamumuhay.
Una silang binigyan ng on-the-spot essay writing na may temang: “How has your education at NTC made you a happier person”. Dahil ito ang bagong pangako ng NTC sa ilalim ng pamamahala ng Ayala Corp.

“Humble beginnings, remarkable endings … so lahat sila nagsimula sa wala pero nung gru­madweyt sila may trabaho may patutunguhan sila,” wika ni Fermin.

Matapos ang essay writing, interview at botohan o batch selection process ay dito lumutang at nangibabaw ang kuwento ng buhay ni Michelle Sison, 42, ng Sta Maria, Bulacan, single mom at isa sa 42 nahirang na Cum Laude ng NTC.

Isa si Michelle sa 50 aplikante na natanggap na ipinadala sa Japan upang sumailalim sa halos dalawang buwang training at bumalik sa bansa upang magtrabaho sa tumanggap na kompanya.

Nagtrabaho ito ng siyam (9) na taon sa Taiwan sa isang factory ng eletronics na gumagawa ng mga CD at 2013 nagdesisyon itong umuwi ng Pilipinas upang itu­loy ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

Pumasok ito sa NTC ng 2015 bilang isang regular student ngunit hindi ito binigyan ng full load dahil lumalabas na transferee ito sa iprenisinta nitong transcript of record (TOR) gali­ng sa University of the East (UE) nang mag-enroll ito bilang civil engineeri­ng student.

Pagkatapos ng isang semester ay nagkaroon ito ng A – na grade point averages (GPA) na isa sa requirements upang maging academic scholar sa naturang eskuwelahan.

Payo ni Michelle sa katulad niyang matagal tumigil sa pag-aaral na magsumikap para maabot ang pangarap. Mataas na oportunidad sa trabaho
Palibhasa’y nakakabit sa korporasyon ang eskuwelahan, ang mga mag-aaral ay naihahanda sa industriya na may mas mataas na entry salary kaysa sa mga guro at madaling makapasok sa trabaho.

Iba pang kurso sa NTC
Bukod sa kursong pagtuturo, simula noong 2002 ay nagbukas ang NTC ng iba pang mga kurso na patok nuon… tulad ng IT, Business Administration, Accountancy, Psychology, Hospitality at Tourism.

“Nakakatuwa na kahit anong course mo at kahit anong major mo ay may subject ka na dalawa tungkol sa teaching kahit IT major may posibilidad na maging teacher at madali kang makakuha ng lisensiya,” paliwanag pa ni Fermin.

The post NTC kaagapay ng mga mahihirap na may pangarap sa buhay appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *