NPC tumaya kay Velasco

SUPORTADO ng nakararaming miyembro ng Nationalist Peoples Coalition (NPC) ang kandidatura ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang House Speaker.

The post NPC tumaya kay Velasco appeared first on Abante News Online.

npc tumaya kay velasco - NPC tumaya kay Velasco
velasco 1 - NPC tumaya kay Velasco

SUPORTADO ng nakararaming miyembro ng Nationalist Peoples Coalition (NPC) ang kandidatura ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang House Speaker.

Ayon sa isang mataas na opisyal ng NPC na tumangging magpabanggit ng pa­ngalan, maraming kongresista ang sumusuporta kay Velasco kaysa kina incoming Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez at Taguig Pateros Representative-elect Alan Peter Cayetano.

Magpupulong ang partido sa susunod na linggo upang pormal na ideklara ang pagsuporta nila kay Velasco.

Nauna rito, binu­king ng mga opisyal ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na 39 miyembro ng NPC ang tumutukod sa kandidatura ni Velasco.

Bukod sa 60 kongresista ng PDP-Laban at 39 ng NPC, kinabig din ni Velasco ang suporta ng 12 mula sa Liberal Party; 15 sa Nacionalista Party; 45-50 ng Party-List bloc; 20 hanggang 25 sa Northern Luzon bloc at 25 na independent.

Sa kabuuan, higit sa 200 kongresista na umano ang sumusuporta kay Velasco, pero duda naman ang kampo ni Rep. Romualdez sa bilang na ito.

Sa pagbibilang ni Albay Rep. Joey Salceda, 178 kongresista na ang pumayag sa kandidatura ni Romualdez.

Umalma naman si Cayetano sa pagsasabing may kasunduan na sa term sharing nila ni Velasco pero binalewala ito ng Marinduque solon.

The post NPC tumaya kay Velasco appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *