NPA member buwis-buhay sa engkuwentro

Nasawi ang isang pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos engkuwentro kontra sa mga tropa ng 76 Infantry Battalion ng Philippine Army at miyembro ng kapulisan sa Brgy. Loyal Victoria, Oriental Mindoro kamakalawa.

The post NPA member buwis-buhay sa engkuwentro appeared first on Abante News Online.

npa member buwis buhay sa engkuwentro - NPA member buwis-buhay sa engkuwentro
ABANTE npa - NPA member buwis-buhay sa engkuwentro

Nasawi ang isang pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos engkuwentro kontra sa mga tropa ng 76 Infantry Battalion ng Philippine Army at miyembro ng kapulisan sa Brgy. Loyal Victoria, Oriental Mindoro kamakalawa.

Ayon sa Police Regional Office – MIMAROPA nagsasagawa ng combat operation ang mga sundalo kasama ang 1st Provincial Mobile Force Company ng Oriental Mindoro at 404th Regional Mobile Force Battalion nang makasalubong ang aabot sa 30 teroristang grupo.

Pinaghihinalaang mga miyembro ng Kilusang Larangang Guerilla (KLG) ang mga terorista.

Nagtagal ang putukan ng halos 25 minuto hanggang sa tumakas palayo ang mga kalaban ng gobyerno.

Narekober sa lugar kung saan nagka-engkuwentro ang patay na katawan ng isang lalaki, isang M14 riffle, dalawang IED, at mga bala ng M60.

Naglatag na ng checkpoint ang pulisya sa bayan ng Victoria at sa mga kalapit na bayan nito para masiguro ang siguridad ng mga residente sa lugar.

Kinasa ang operasyon matapos makatanggap ng sumbong ang mga awtoridad mula sa mga residente na kinikikilan sila ng pera at bigas ng mga rebelde. (Paul Jaysent Fos/ Edwin Balasa)

The post NPA member buwis-buhay sa engkuwentro appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *