NPA leader, spokesman nalambat sa Sarangani

NPA leader, spokesman nalambat sa Sarangani

Nadakip ang isang lider at tagapagsalita ng New People’s Army (NPA) kasama ang dalawa pang communist terrorist sa joint law enforcement operation ng mga tropa ng 1002nd Infantry Brigade at Police Region Office 12 sa Sarangani province, Huwebes ng umaga.

npa leader spokesman nalambat sa sarangani - NPA leader, spokesman nalambat sa Sarangani
arrest 11 - NPA leader, spokesman nalambat sa Sarangani

Nadakip ang isang lider at tagapagsalita ng New People’s Army (NPA) kasama ang dalawa pang communist terrorist sa joint law enforcement operation ng mga tropa ng 1002nd Infantry Brigade at Police Region Office 12 sa Sarangani province, Huwebes ng umaga.

Sa ulat ni Maj. Ezra Balagtey, tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command, kinilala ang nahuling communist leader na si Nicanor Pason, na kilala bilang Kumander Costan, ang pinuno ng NPA na nag-o-operate sa Sarangani, South Cotabato at Sultan Kudarat.

Kasamang naaresto ang spokesperson ng Far South Mindanao Regional Committee ng NPA na si Bernard Prespetero at dalawang NPA couriers na sina Josephine Carvajal Sumagaysay at Reynaldo Beringel Loyola.

Tanging si Kumander Costan ang sugatan sa naturang operasyon nang rumesponde ang mga tropa sa tangka nitong magpasabog ng granada.

Si Kumander Costan ay may standing warrant of arrest para sa murder na inilabas ng Regional Trial Court 11, Branch 38 Alabel, Sarangani Province.

Dinala si Kumander Costan sa Maitum Hospital para ipagamot habang ang tatlo niyang kasamahan ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa legal na aksyon laban sa mga ito.

Ayon kay Eastmincom Commander Lt. Gen. Filemon Santos, ngayong nalalagas na ang puwersa ng NPA sa dami ng mga nagsisuko, tututukan na ng militar ang pagtugis sa kanilang mga lider. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *