Noypi kasama sa Vatican guard ni Pope Francis

Gumawa ng kasaysayan ang isang Swiss-Filipino na lalaki matapos siyang iproklama bilang kauna-unahang dugong Pinoy na makakasama bilang guwardiya ng Vatican City.

The post Noypi kasama sa Vatican guard ni Pope Francis first appeared on Abante.

noypi kasama sa vatican guard ni pope francis - Noypi kasama sa Vatican guard ni Pope Francis
abante filipino - Noypi kasama sa Vatican guard ni Pope Francis

Gumawa ng kasaysayan ang isang Swiss-Filipino na lalaki matapos siyang iproklama bilang kauna-unahang dugong Pinoy na makakasama bilang guwardiya ng Vatican City.

Sa ulat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, nilahad ang pagkabilang ni Vincent Lüthi, 22, sa mga Swiss Guard na tinuturing na ‘elite corps’ para panatilihing ligtas ang Santo Papa.

Isa si Luthi sa 38 na bagong recruit na nanumpa kay Pope Francis sa Vatican noong October 4.

Ang Papal Swiss Guard ay nabuo pa noong 1506, na tinuturing na militar ng Vatican City at tagapagtanggol sa Santo Papa.

Si Luthi ay nag-iisang anak ng kanyang tatay na Swiss at nanay na mula sa Bantayan Island sa Cebu. (RP)

The post Noypi kasama sa Vatican guard ni Pope Francis first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *