Notoryus na kidnapper sa Mindanao nalambat ng PNP-AKG

Nalambat ang number 3 most wanted person sa lalawigan ng Mindanao na isang notoryus na kidnapper at nasa likod ng pagdukot sa tatlo katao kabilang ang isang Jordanian national sa Zamboanga Sibugay, ayon sa opisyal ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) kahapon.

notoryus na kidnapper sa mindanao nalambat ng pnp akg - Notoryus na kidnapper sa Mindanao nalambat ng PNP-AKG
kulong 1 - Notoryus na kidnapper sa Mindanao nalambat ng PNP-AKG

Nalambat ang number 3 most wanted person sa lalawigan ng Mindanao na isang notoryus na kidnapper at nasa likod ng pagdukot sa tatlo katao kabilang ang isang Jordanian national sa Zamboanga Sibugay, ayon sa opisyal ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) kahapon.

Kinilala ni PNP-AKG Director Jonnel Estomo ang naarestong suspek na si Nasisin Baladji alyas Zaed, isang Islamic prea­cher at miyembro ng Moro Islamic Liberation Front.

Ayon kay Estomo, base sa ipinalabas na warrant of arrest na inilabas ni Zamboanga Sibugay Regional Trial Court (RTC) Branch 31 Judge Vicente Dela Plaza sa kasong kidnapping with ransom, nadakip si Baladji nitong Miyerkoles sa pinagtataguang bahay nito sa Purok C Kabasalan, Zamboaga Sibugay.

Si Baladji ay sinasabing sangkot sa kidnapping kina Rolando Del Torchio sa Dipolog City noong Oktubre 7, 2015, Elmer Romoc noong Agosto 5, 2015 sa Dipolog City din at Jordaninan journalist na si Baker Atyani sa Jolo, Sulu noong Hunyo 12, 2012. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *