Notoryus na kawatan laglag sa Valenzuela cop

HINDI nakaligtas sa kanyang krimen ang isang kawatan nang masaktuhan ito ng pulisya habang tumatakas sa mga humahabol sa kanya makaraang pagnakawan ang isang negosyante sa Valenzuela City, kahapon nang umaga.

notoryus na kawatan laglag sa valenzuela cop - Notoryus na kawatan laglag sa Valenzuela cop
Abante Huli - Notoryus na kawatan laglag sa Valenzuela cop

HINDI nakaligtas sa kanyang krimen ang isang kawatan nang masaktuhan ito ng pulisya habang tumatakas sa mga humahabol sa kanya makaraang pagnakawan ang isang negosyante sa Valenzuela City, kahapon nang umaga.

Naiiling na lang habang kinukunan ng pahayag sa himpilan ng pulisya si Rogelio Dela Cruz Jr., binata, makaraang idemanda ni Riza Dimayuga, negosyante.

Sa salaysay ni Dimayuga, dakong alas-7:30, nagbukas siya ng kanyang photo shop na matatagpuan sa Santos St., Barangay Malinta, Valenzuela City.
Naroon na raw sa harapan ng kanyang shop si Dela Cruz at nagkunwaring customer.

Nagtungo sa comfort room ang businesswoman at ipinatong ang kanyang bag sa eskaparate at paglabas, nakita niya na kinuha ito ng suspek.

Nagsisisigaw ang negosyante kaya may mga naroroon na hinabol ang suspek kaya nakatakas.

Sa kasamaang pa­lad, sa harap mismo ng mga pulis na naka-assign sa Police Community Precinct (PCP) 4 tumakbo ang suspek dahilan para madakip ito at dalhin sa presinto.

Dito na nadiskub­re ang mga dati nang kaso ng pagnanakaw ng suspek na kinokunsiderang notoryus na kawatan sa lungsod.

Nabawi kay Dela Cruz ang bag ni Dimayuga na naglalaman ng cellphone at P600 at kinasuhan siya ng theft. (Orlan Linde)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *