Notoryus na carnapper nadakma sa Laguna

Notoryus na carnapper nadakma sa Laguna

BUMAGSAK sa kamay ng mga kagawad ng Laguna Highway Patrol Group (HPG)ang umano’y number 2 most wanted carnapper sa Bicol Region matapos ang mahigit tatlong taong pagtatago sa batas.

The post Notoryus na carnapper nadakma sa Laguna appeared first on Abante News Online.

notoryus na carnapper nadakma sa laguna - Notoryus na carnapper nadakma sa Laguna
car nap - Notoryus na carnapper nadakma sa Laguna

BUMAGSAK sa kamay ng mga kagawad ng Laguna Highway Patrol Group (HPG)ang umano’y number 2 most wanted carnapper sa Bicol Region matapos ang mahigit tatlong taong pagtatago sa batas.

Batay sa report ng Laguna Police, naaresto si Edwin Ramos Argamosa, 37-anyos, sa operasyon sa Brgy. Mojon sa bayan ng Sta Cruz alas-5:20 kamakalawa nang hapon.

Pinaghahanap si Argamosa para sa kasong carnapping at may warrant of arrest mula sa RTC Branch 57 ng Libmanan, Camarines Sur.

Batay sa record, nabatid na kinarnap umano ng suspek ang isang Isuzu Elf sa bayan ng Sipocot noong 2016.

Natunton din ang truck matapos na ito ay maibenta ng suspek sa isang kaibigan.

Umalis sa Bicol si Argamosa hanggang sa matunugan ng mga awtoridad na nagtatago ito sa Laguna. (Ronilo Dagos)

The post Notoryus na carnapper nadakma sa Laguna appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *