Northern Samar, Davao Occidental nilindol

Northern Samar, Davao Occidental nilindol

NIYANIG ng magnitude 4.8 na lindol ang bahagi ng Northern Samar habang nasa magnitude 5.6 naman ang tumama sa Davao Occidental, Sabado nang madaling-araw.

northern samar davao occidental nilindol - Northern Samar, Davao Occidental nilindol
quake 1 - Northern Samar, Davao Occidental nilindol

NIYANIG ng magnitude 4.8 na lindol ang bahagi ng Northern Samar habang nasa magnitude 5.6 naman ang tumama sa Davao Occidental, Sabado nang madaling-araw.

Ayon sa tala ng Phi­lippine Institute of Volcanology and Seismo­logy (Phivolcs), unang niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang bayan ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental bandang alas-12:10 Sabado nang madaling-araw.

Nasa tectonic ang ori­gin ng pagyanig na may lalim na 143 kilometro. Naitala ang Intensity III sa Alabel at Kiamba sa Sarangani at sa General Santos City habang nasa Intensity II sa Tupi sa South Cotabato.

Samantala, tumama ang episentro ng lindol na may layong 37 kilometro Hilagang-Kanluran ng bayan ng Pambujan, Northern Samar bandang alas-1:28 Sabado nang madaling-araw.

May lalim ang pagyanig na 29 na kilometro at tectonic ang dahilan. Naitala ang instrumental Intensity I sa Daet, Camarines Norte, Pili, Camarines Sur, Cebu City at Borongan City.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang pagyanig at walang inaasahang aftershock. (Vick ­Aquino/Tina ­Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *