North Cotabato mayor inaresto sa mga bala

ISANG alkalde sa North Cotabato ang inaresto ng mga ­pulis matapos­ salaka­yin ang kanyang bahay at mahulihan ng mga bala noong Biyernes nang mada­ling-araw.

The post North Cotabato mayor inaresto sa mga bala appeared first on Abante News Online.

north cotabato mayor inaresto sa mga bala - North Cotabato mayor inaresto sa mga bala
abante pna - North Cotabato mayor inaresto sa mga bala

ISANG alkalde sa North Cotabato ang inaresto ng mga ­pulis matapos­ salaka­yin ang kanyang bahay at mahulihan ng mga bala noong Biyernes nang mada­ling-araw.

Pumalag naman si Antipas, North Cotabato Mayor Egidio ‘Ekis’ Cadungon na ‘political harassment’ diumano ang ginawang pagsalakay ng mga elemento ng Police Regional Office 12 (Soccsksargen) sa kanyang bahay sa Brgy. Poblacion.

Nabatid na bitbit ng mga pulis ang search warrant laban kay Cadungon dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition).

Nasamsam ng raiding­ team sa bahay ni Cadungon ang isang bala para sa 9mm pistol at isa pa para sa .38 caliber revolver.
Una na rin umanong sinalakay ng mga pulis ang isa pang bahay ng alkalde sa Matalam, North Cotabato.

Sa kanyang text message sa mga repor­ter, sinabi ni Cadungon na gawa-gawa lamang umano ang kaso laban sa kanya at ‘political harassment’ ang pagsalakay sa kanyang bahay.

Nabatid na tatakbo ulit si Cadungon sa pagka-alkalde ng Antipas sa eleksyon sa Mayo 13.

Sinabi naman ni Police Capt. Bernard Abarquez, hepe ng Antipas Police, isinagawa ng mga miyembro ng pulisya sa Soccsksargen ang pagsalakay sa bahay ni Cadungon at umalalay lamang ang lokal na pulisya.
Pinalaya naman ang alkalde matapos magpiyansa. (PNA)

The post North Cotabato mayor inaresto sa mga bala appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *