Noodles, daing, sardinas mas mahal sa steak

WALA pang malinaw na panukala tungkol sa nais ni Health Secretary Francisco Duque na pagpapataw ng buwis sa mga pagkaing maasin at wala pang draft bill na ginagawa tungkol dito.

noodles daing sardinas mas mahal sa steak - Noodles, daing, sardinas mas mahal sa steak
ABANTE Noodles - Noodles, daing, sardinas mas mahal sa steak

WALA pang malinaw na panukala tungkol sa nais ni Health Secretary Francisco Duque na pagpapataw ng buwis sa mga pagkaing maasin at wala pang draft bill na ginagawa tungkol dito.

“It was just an idea that Secretary Duque verba­lized. There is no draft bill yet and nothing written yet,” sabi ni Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo.

Mahalaga ang asin sa pagtimpla ng pagkain at ginagamit ito sa food preservation tulad ng paggawa ng tuyo at tinapa pag marami ang huli ng isda.

May naghain na ng panukalang batas noong 17th Congress para magpataw ng isang piso na buwis sa bawat 1mg ng sodium sa pagkain ngunit hindi ito naaprubahan.

Kung gagamiting basehan ang huling isinumi­teng panukala sa buwis sa mga pagkaing may asin, aabot sa P930 na agad ang buwis na ipapataw sa delatang sardinas na nagkakahalaga lamang na P17.50 ngayon. Nasa 310mg ang sodium content ng isang serving ng delatang sardinas at tatlong ser­vings naman ang laman ng isang delata.

Ang meat loaf na kasing laki ng sardinas, 575 mg ang sodium content ng isang serving at tatlong ser­vings din ito isang lata kaya aabot sa P1,725 ang magiging buwis ng delatang wala pang P20 ang halaga kung matuloy ang plano.

Kung matutuloy ang panukalang ito, magiging mas mahal pa ang mga pagkaing ito sa pagkain ng mga mas nakaririwasa gaya ng steak na umaabot ang presyuhan sa P1,300/kilo ng wagyu cubes at beef ribeye steak na P1,700/kilo pataas.

Ang isang pancit canton na P14 lamang ang isang pakete na pang isang tao ay may 1,046mg na sodium content kaya aabutin din sa P1,046 ang buwis nito kung pagbabasehan sa huling isinumiteng proposal sa kongreso.

Para sa American Heart Association, hindi dapat lalagpas sa 2,300mg ang sodium o asin na ating kinakain sa isang araw at nilalagay nito sa 1,500 mg ang ‘ideal limit’ para sa karamihan.

Hindi naman naiwang mag-react ang mga netizens sa nasabing panukalang pagpapataw ng buwis sa tuyo at daing.

Tweet ni @ynot_selasor, “TRAIN LAW, Rice Tarrification, Billion Loans…ano nagawa. Tapos ngayon TAX sa tuyo. Putsa asan ang pondo ubos na?”
Sabi ng netizen na si Maria Luisa B. Panilinan, “Punyetang gobyernong Duterte na ito…utlimong pagkain ng mga mahihirap, lalapatan pa ng tax? Bawasan na lang ang bilyun bilyun na budget sa office of the president, sa mga tongresmen at mga senatong…”

Hirit pa ng netizen na si Dondon Alon sa Facebook, “Mahal nila talaga mahihirap, ayaw nila mamatay sa sakit…sa gutom nlng daw.”

Samantala, ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III na hindi pa sila nagpupulong para pag-usapan ang nasabing panukalang ‘asin’ tax. (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *