NoKor inutos shoot-to-kill kontra virus

Naglabas umano ng shoot to kill order si North Korean leader Kim Jong-un upang maiwasan umano ang pagpasok ng coronavirus sa kanilang bansa mula sa China, ayon sa commander ng US forces sa Korea.

The post NoKor inutos shoot-to-kill kontra virus first appeared on Abante.

nokor inutos shoot to kill kontra virus - NoKor inutos shoot-to-kill kontra virus
Kim Jong un - NoKor inutos shoot-to-kill kontra virus

Naglabas umano ng shoot to kill order si North Korean leader Kim Jong-un upang maiwasan umano ang pagpasok ng coronavirus sa kanilang bansa mula sa China, ayon sa commander ng US forces sa Korea.

Ayon sa ulat, lumikha umano ng buffer zone sa border nito malapit sa China upang barilin ang sinumang magtangkang papasok dito.

Ilang buwan na ang nakalipas simula nang ideklara ang pandemya, pero wala pa umanong naiulat na nagpositibo sa nasabing bansa. Nitong Enero sinara na ng Pyongyang, capital city ng nasabing bansa, ang kanilang border sa China upang maiwasan ang pagkalat ng virus, habang nitong Hulyo ay tinaas na umano nito ang kanilang state of emergency sa pinakamataas na antas, ayon sa state media.

The post NoKor inutos shoot-to-kill kontra virus first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *