No homework policy imposible sa K-12 system

HINDI uubra ang pagbabawal sa homework para sa mga mag-aaral ng K-12 basic education program, ayon sa grupo ng mga guro.

no homework policy imposible sa k 12 system - No homework policy imposible sa K-12 system
ABANTE work - No homework policy imposible sa K-12 system

HINDI uubra ang pagbabawal sa homework para sa mga mag-aaral ng K-12 basic education program, ayon sa grupo ng mga guro.

Pinaliwanag ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) National Chairperson Joselyn Martinez, hindi kakayanin ng isang mag-aaral na matutunan ang isang topic sa loob ng oras ng klase kaya maoobliga silang pag-aralan pa ito sa labas ng klase o maaaring iuwi sa bahay, kabilang na ang mga guro.

“The range of topics and competencies set by the K to 12 curriculum are impossible to cover within formal class hours, resul­ting to added and beyond-school hour work for both teachers and students,” ayon kay Martinez.

Nabatid na ang K-12 ay naglalayong makabuo ng high school graduates na handa nang sumabak sa kolehiyo o sa pagtatrabaho sa loob ng 12-year basic education. Sinusukat kasi ng mga guro ang kakayahan ng mga K-12 students sa kanilang abilidad.

Ang mga mag-aaral at guro ay inoobliga na gumawa ng research sa labas ng klase dahil na rin sa kakapusan ng learning materials matapos ang implementasyon ng K-12.

“No amount of budgeting of work can force students and teachers alike to accomplish more than what is realistically doable in a set period of time, hence the need to take home their school work,” ayon pa kay Martinez.

Inihain ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang panukalang batas upang ipagbawal ang pagbibigay homework sa mga mag-aaral tuwing araw na walang pasok o weekend. Ang panukala ay kinatigan na ni Education Secretary Leonor Briones.

Ayon sa ACT Philippines, ang pagbibigay ng homework sa mga mag-aaral ay isang napakahala­gang bagay para mapunan ang pag-aaral sa K to 12 na isa umanong experiment na kaila­ngan ng oras para lubos na matutunan ang mga subjects.

“For the Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines, homework has become an inevitable part of teachers’ and students’ work due to the unrealistic K to 12 curriculum. “[The] K to 12 was an experiment that tried to integrate a little bit of everything in a complicated manner, while leaving no ample time for mastery of subjects and development of critical thinkin­g,” paliwanag pa ni Martinez. (Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *