NLEX-MVP kinunsinti ng Toll Board exec

Suspetsa ni Senador Grace Poe na baka kasabwat ng North Luzon Expressway (NLEX) ang namumuno sa Toll Regulatory Board (TRB) dahil matagal na ang problema aniya sa naturang kompanya subalit walang ginagawang aksyon laban dito.

The post NLEX-MVP kinunsinti ng Toll Board exec first appeared on Abante.

nlex mvp kinunsinti ng toll board exec - NLEX-MVP kinunsinti ng Toll Board exec
abnate nlex - NLEX-MVP kinunsinti ng Toll Board exec

Suspetsa ni Senador Grace Poe na baka kasabwat ng North Luzon Expressway (NLEX) ang namumuno sa Toll Regulatory Board (TRB) dahil matagal na ang problema aniya sa naturang kompanya subalit walang ginagawang aksyon laban dito.

Ang NLEX Corporation ay subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) na isa sa mga kompanya ni Manuel V. Pangilinan.

Sabi ni Poe, dapat lamang mag-resign na si TRB Executive Director Abraham Sales dahil sa malaking kapalpakan na dulot ng sablay na implementasyon ng cashless payment sa NLEX.

“Tatlong taon nang nagkakaroon ng problema ang serbisyo ng concessionaire sa NLEX ni isang penalty o warning na ipinakita sa Secretary, wala siyang ginawa. Parang kakuntsaba pa siya rito,” pahayag ni Poe sa panayam ng isang programa sa CNN Philippines.

Para sa senador, malaki ang resinsibilidad ng TRB chief sa isyung ito.

Nalantad ang kapalpakan sa implementasyon ng radio-frequency identification (RFID) system ng NLEX matapos na magsalita hinggil dito si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.

Humantong pa ito sa pagsuspinde ni Gatchalian sa business permit ng NLEX sa nasasakupang lugar ng Valenzuela.

Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay binakbakan sa kanyang mensahe sa bayan Miyerkoles ng gabi ang kapalpakan ng NLEX sa implementasyon ng RFID system.

The post NLEX-MVP kinunsinti ng Toll Board exec first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *