NLEX killer bus sinuspinde ng LTFRB

PINATAWAN kahapon ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFR­B) Chairman Martin Delgra ng ‘preventive suspension’ ang Buena Sher Transport Corporation, na operator ng bus na sangkot sa aksidente nitong Biyernes nang gabi, Hunyo 28, sa North Luzon Expressway (NLEX) sa Valenzuela City, kung saan walo ang iniulat na namatay at 12 ang sugatan
Batay sa ipinalabas na notice ng LTFRB, binigyan ng preventive suspension ang naturang bus company habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon kung nagkaroon ng kapabayaan sa mga nangangasiwa nito.

The post NLEX killer bus sinuspinde ng LTFRB appeared first on Abante News Online.

nlex killer bus sinuspinde ng ltfrb - NLEX killer bus sinuspinde ng LTFRB
ABANTE nlex LTFRB - NLEX killer bus sinuspinde ng LTFRB

Ni Dolly Cabreza

PINATAWAN kahapon ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFR­B) Chairman Martin Delgra ng ‘preventive suspension’ ang Buena Sher Transport Corporation, na operator ng bus na sangkot sa aksidente nitong Biyernes nang gabi, Hunyo 28, sa North Luzon Expressway (NLEX) sa Valenzuela City, kung saan walo ang iniulat na namatay at 12 ang sugatan
Batay sa ipinalabas na notice ng LTFRB, binigyan ng preventive suspension ang naturang bus company habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon kung nagkaroon ng kapabayaan sa mga nangangasiwa nito.

Kasabay nito ay inatasan din ni Delgra ang insurance company ng bus na iproseso ang insurance benefits ng mga biktima.

Nahaharap naman sa kanselasyon o pagbawi ng kanilang prangkisa dulot ng insidente ang bus company habang inatasan na ng LTFRB ang ma­nagement ng kompanya na dalhin ang lahat ng kanilang mga units sa Land Transaportation Office (LTO) Motor Vehicle Inspection para isailalim ang mga ito sa road safety inspection.

May kabuuang 19 unit ang bus company na bumibiyahe sa rutang Cubao-Sta. Maria, Bulacan via NLEX.

Pinapasailalim din ng LTO ang lahat ng drivers at konduktor ng bus company sa drug testing, medical, actual driving at written examinations.

Nakatakda namang kasuhan ng reckless imprudence resulting in multiple homicide, physical injuries at damage to property ang driver ng bus na sangkot sa aksidente

Sa ulat, sinabi ng mga nakaligtas na pasahero na mabilis ang pagpapatakbo ng bus drive­r at tumagilid ang kanilang sasakayan dahil sa lakas ng impact ng pagtama nito sa likurang bahagi ng AUV na nagbagal naman ng pagpapatakbo dahil sa dulas ng kalsada bunsod ng tuloy tuloy na pag-ulan.

Kasalukuyan pang ginagamot sa mga kalapit na ospital ang bus driver at mga pasahero niyang sugatan.

The post NLEX killer bus sinuspinde ng LTFRB appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *