Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang Cotabato at katabing mga bayan nitong Huwebes ng umaga.

Kasabay nito ang paalala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na asahan ang muling pagyanig at aftershocks sa ilang parte ng Mindanao.

niyanig ng magnitude 6 5 na lindol ang cotabato at katabing mga bayan nitong huwebes ng umaga - Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang Cotabato at katabing mga bayan nitong Huwebes ng umaga.
Abante 2019 Lindol - Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang Cotabato at katabing mga bayan nitong Huwebes ng umaga.

Kasabay nito ang paalala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na asahan ang muling pagyanig at aftershocks sa ilang parte ng Mindanao.

Ayon sa tala ng Phivolcs, nakasentro ang lindol sa Tulunan, Cotabato na una nang tinamaan ng dalawang magkasunod na malakas na pagyanig.

Tumama sa 33 kilometers northeast ng bayan ng Tulunan noong Martes ang magnitude 6.6 at nasa magnitude 6.3 naman ang tumama noong Oktubre 16.

Paliwanag ng Phivolcs, ang pagyanig ay bahagi ng series of quakes na naganap sa central Mindanao kabilang na ang magnitude 5.6 na tumama sa Makilala, Cotabato noong Hulyo 9 at magnitude 6.3 sa Tulunan.

Umabot naman sa walo katao na ang nasawi dulot ng pagyanig habang dalawa naman ang naitalang nawawala at nasa 395 ang sugatan kabilang dito ang tatlong nailibing nang buhay dahil natabunan sa Magsaysay, Davao del Sur, apat naman ang nawawala sa Makilala.

Nasa 90% ng mga gusali naman sa Barangay Daig ang nasira dahil sa lakas ng pagyanig habang nasira rin ang mga covered courts at government health centers na maaari sanang paglikasan ng mga naapektuhan.

“Wala ka nang makitang tao na nasa loob ng bahay. Lahat ngayon andito sa kalye, andito sa open spaces,” ayon kay Tulunan Mayor Reuel Limbungan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *