Nissan boykot nakaumang

PINAG-UUSAPAN ngayon sa kompanya ng Japanese carmaker na Nissan ang posibleng pagboykot nito sa South Korea dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan ng nasabing bansa at ng Japan, ayon sa ulat ng Financial Times.

nissan boykot nakaumang - Nissan boykot nakaumang
ABANTE Nissan - Nissan boykot nakaumang

PINAG-UUSAPAN ngayon sa kompanya ng Japanese carmaker na Nissan ang posibleng pagboykot nito sa South Korea dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan ng nasabing bansa at ng Japan, ayon sa ulat ng Financial Times.

Bumagsak umano ang kita ng Nissan at iba pang kompanya ng Japan sa South Korea matapos na maglunsad ng boykot sa kanilang mga produkto ang mga Koreano.

Umasim ang ugnayan ng dalawang bansa simula pa noong nakaraang taon matapos na iutos ng isang korte sa South Korea na bayaran ng mga Japanese company ang mga biktima ng forced labor noong World War 2. Sabi naman ng Tokyo, lahat ng claims ay naresolba na sa ilalim ng isang tratado noong 1965 kung saan ay binayaran nila ang danyos sa pamahalaan ng South Korea.

Tumindi pa ang diplomatic at trade tensyon nang magpatupad ng export control ang Japan sa mga produktong kinakailangan ng mga tech group sa South Korea.

Batay umano sa mga hindi pinangalanang source ng Financial Times, bukod sa pagboykot sa South Korea, pinag-iisipan din ng Nissan kung kanila pang ipagpapatuloy ang assembly plant sa Busan na pag-aari ng Renault Samsung Motors Co., isang joint venture sa pagitan ng Nissan’s French automaking partner Renault SA.

Tumanggi umanong magbigay ng komento ang mga tagapagsalita ng Nissan sa South Korea at Japan hinggil sa nasabing report.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *