Ninakaw sa PhilHealth puwedeng bawiin – Lacson

Naniniwala si Senador Panfilo `Ping’ Lacson na puwedeng mabawi ang mga ninakaw mula sa pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil mayroong batas hinggil dito.

The post Ninakaw sa PhilHealth puwedeng bawiin – Lacson first appeared on Abante.

ninakaw sa philhealth puwedeng bawiin lacson - Ninakaw sa PhilHealth puwedeng bawiin – Lacson
tonite ping lacson - Ninakaw sa PhilHealth puwedeng bawiin – Lacson

Naniniwala si Senador Panfilo `Ping’ Lacson na puwedeng mabawi ang mga ninakaw mula sa pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil mayroong batas hinggil dito.

Tinanong ito kay Lacson sa radio interview sa kanya kung saan maraming miyembro umano ng PhilHealth ang nais na maibalik ang pera nilang nawala sa korapsyon.

“Makatwiran lang ang kanilang hinaing. Kasi sa Article 217 ang pwedeng isampang demanda laban sa kanila ng RPC [Revised Penal Code], ang malversation of public funds, may provision doon na bukod sa kulong, kung magkano ang halaga na na-malverse, dapat ibalik ng nag-malverse. So kasama `yan sa batas na `yan. Lumang batas na `yan eh,” sabi ni Lacson.

Bukod aniya sa nasabing batas, may katulad ding probisyon para sa kasong plunder at mayroon na ring naging desisyon hinggil dito ang Sandiganbayan.

“May ganoon (ding provision) sa plunder. Babalikan natin, ayaw ko lang magbanggit ng pangalan, pero may decision ang Sandiganbayan `di ba?” dagdag pa ng senador.

The post Ninakaw sa PhilHealth puwedeng bawiin – Lacson first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *