Nicko walang atrasan sa giyera kay Kris

KRIS, FALCIS MAGHAHARAP SA QCRTC NGAYON!

Muling nag-post si Nicko Falcis sa kanyang Instagram ng mga ebidensya umano ng pagbabanta ni Kris Aquino sa kanya at sa kanyang pamilya.

The post Nicko walang atrasan sa giyera kay Kris appeared first on Abante News Online.

nicko walang atrasan sa giyera kay kris - Nicko walang atrasan sa giyera kay Kris
kris falcis - Nicko walang atrasan sa giyera kay Kris

‘No to evil dynasties!’

Muling nag-post si Nicko Falcis sa kanyang Instagram ng mga ebidensya umano ng pagbabanta ni Kris Aquino sa kanya at sa kanyang pamilya.

Sa nasabing post, sinabi ni Nicko na nakipag-ugnayan umano sa kanya si Alvin, assistant ni Kris.

“When your ‘command’ of wanting to meet my mom was not granted, you continued to threa­ten my family, through Alvin, namedropping your last name’s legacy that you will do everything to harm us, ‘na si Kris di sya puro salita lang’ and how you shoved in our faces your war chest of resources,” ayon sa caption ni Falcis.

Ayon sa naka-screenshot conversation, humihingi raw ng pabor si Kris na ikalat ang threat kay Nicko.

“PLEASE do the Cojuangco Aquino ‘dynasty” a favor- ikalat nyo my threat to Nicko. If anything happens in the future, people will no longer dare step on any of us because Kris has in her to be as good as her word. Di siya puro salita lang,” ang mga linyang naka-post sa IG ni Nicko.

Nakasaad din sa usapan na hindi raw ‘yon threat o pangako kundi isang “oath” o panunumpa. Handa raw makipag-ubusan ng yaman hanggang sa Supreme Court si Kris at ipinagmamalaki rin umano na ang pera niya ay 100% tax paid at hindi nakaw.

Sinabi rin sa text na kung makalulusot pa raw kay Kris Aquino ang isang Nicko Falcis, isa raw iyong stupidity and unpreparedness na hindi hahayaang mangyari ni Alvin.

Kaya naman dagdag pa sa caption, talagang natakot at na-trauma raw si Nicko mula sa mga pagbabanta umano ni Kris sa kanya. Anim na buwan na raw ang nakalilipas pero patuloy pa rin daw hina-harass ni Kris ang pamilya ni Nicko.

Pero sabi nga ni Falcis na patuloy silang lalaban ng kanyang pamilya mula sa gulo na dulot ng pagbabanta ni Kris.

“No to evil dynasties!” ang huling linya sa post ni Nicko. (Athena Yap)

The post Nicko walang atrasan sa giyera kay Kris appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *