NGO kapit-bisig sa tablet ng mga Aeta student

Nagsama-sama ang mga non-profit organization (NGO) at iba pang charity group para tulungan sa kanilang pangangailangan sa online learning ang mga estudyanteng Aeta sa Porac, Pampanga.

The post NGO kapit-bisig sa tablet ng mga Aeta student first appeared on Abante.

ngo kapit bisig sa tablet ng mga aeta student - NGO kapit-bisig sa tablet ng mga Aeta student
tablet - NGO kapit-bisig sa tablet ng mga Aeta student

Nagsama-sama ang mga non-profit organization (NGO) at iba pang charity group para tulungan sa kanilang pangangailangan sa online learning ang mga estudyanteng Aeta sa Porac, Pampanga.

Sinisiguro ng Peace Kamp, Bangketa Eskwela Foundation at iba pang charity group na hindi maiiwan ang mga Aeta student sa ‘new normal’ na pag-aaral.

Sinimulan ng mga NGO ang fund-raising campaign nitong September para sa 150 tablet na ido-donate sa mga Aeta student na naninirahan sa mga remote area sa Pampanga, ayon sa ulat.

Sa kasalukuyan ay sampung tablet pa lang ang nabibili nila at tatlong estudyante ang naghihiraman sa iisang tablet para sa kanilang online class.

Nagpapatuloy ang fund drive at tumatanggap ang mga NGO ng mga in-kind donation. Maaaring kontakin ang Peace Kamp o Bangketa Eskwela Foundation para sa detalye.

The post NGO kapit-bisig sa tablet ng mga Aeta student first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *