New Zealand niyanig ng magnitude 5.5

NIYANIG ng 5.5 magnitude quake ang Alpine Fault sa New Zealand kahapon dahilan upang maglabas ng warning ang kanilang earthquake monitoring service.

The post New Zealand niyanig ng magnitude 5.5 appeared first on Abante News Online.

new zealand niyanig ng magnitude 5 5 - New Zealand niyanig ng magnitude 5.5
magnitude 2 - New Zealand niyanig ng magnitude 5.5

NIYANIG ng 5.5 magnitude quake ang Alpine Fault sa New Zealand kahapon dahilan upang maglabas ng warning ang kanilang earthquake monitoring service.

Tumama ang lindol alas-3:24 nang mada­ling-araw, naramdaman sa Queenstown at Wanaka ayon sa New Zealand Geonet.

Gayunman ay wala pang naitatalang pinsala sa nasabing pagyanig.

“Our duty seismologist can confirm that this quake looks to have occurred on the Alpine Fault,” ayon pa sa Geonet.

Kasunod ng lindol ay anim na aftershock na mas mataas sa magnitude 3.0 ang naitala.

Nagbabala ang Geonet sa posibleng pagkakaroon ng mas malakas pang paglindol.

Nakaraang taon ay nagbabala ang mga scientist sa New Zealand’s South Island sa mas malakas na lindol at maaaring umabot umano sa 10,000 ang maapektuhan.

Ang Alpine Fault na nasa 600km layo sa New Zealand’s Southern Alps ay may record ng pagl­indol tuwing ika-300 taon.

Ang pinakamalakas na lindol ay naitala noong 1711.

The post New Zealand niyanig ng magnitude 5.5 appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *