New York Times editorial kulang sa research — Palasyo

HINDI na ikinagulat ng Malacañang ang editorial ng New York Times na nagsulat ng negatibong artikulo sa Pilipinas.

new york times editorial kulang sa research palasyo - New York Times editorial kulang sa research — Palasyo
panelo 1 - New York Times editorial kulang sa research — Palasyo

HINDI na ikinagulat ng Malacañang ang editorial ng New York Times na nagsulat ng negatibong artikulo sa Pilipinas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo na naging gawi na ng nabanggit na dayuhang pahayagan na maglathala nang walang basehang impormasyon para sirain ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa August 1 editorial ngc pinalitaw na pinapatay ng gobyerno ang mga nagtatanggol sa mga lupain at kapaligiran at umabot na 164 ang napapatay umano batay sa record noong 2018.

Sinabi ni Panelo na hindi ginawa ng NYT ang kanilang research bagkus ay ibinase lamang ito sa annual report ng isang human rights group na Global Witness na nakabase pa sa Great Britain.

“The American publication has not exerted the research required of responsive journalism. Neither did it conduct an in-depth independent study on such a delicate subject matter,” ani Panelo.

Sa umpisa pa lamang aniya ng Duterte administration ay puro walang katotohan na ang isinusulat ng NYT lalo na sa kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga na ang pinagbasehan lamang ay ang gawa-gawa ng mga anti-Duterte group, oposisyon at mga grupong maka-komunista.

Binigyang-diin ni Panelo na ang gobyerno ni Pangulong Duterte ay nakabatay sa Konstitus­yon—ang pagsilbihan at protektahan ang mga Pilipino at walang sino mang dayuhan o mapanirang akusasyon ang makakapagpatigil sa kanyang ginagawang pagprotekta sa bansa at sa mamamayan.

“No force on earth nor the baseless condemnation from the outside world will chain or halt this President from performing the consitutional command of protecting the nation and preserving the Republic,” dagdag pa ni Panelo. (Aileen Tali­ping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *