Negros inalerto sa Mt. Kanlaon

Hiniling ng mga lokal na awtoridad na maging alerto at magdasal ang mga nakatira malapit sa paanan ng Mt. Kanlaon matapos na makapagtala ng mga lindol sa nasabing bulkan sa Negros Occidental.

negros inalerto sa mt kanlaon - Negros inalerto sa Mt. Kanlaon
abante kanlao - Negros inalerto sa Mt. Kanlaon

Hiniling ng mga lokal na awtoridad na maging alerto at magdasal ang mga nakatira malapit sa paanan ng Mt. Kanlaon matapos na makapagtala ng mga lindol sa nasabing bulkan sa Negros Occidental.

“Pray, be vigilant and keep safe,” panawagan ni La Carlota City Mayor Rex Jalando sa kanyang Facebook post.

Patuloy aniyang tinututukan nila ang mga kaganapan sa Mt. Kanlaon matapos na makapagtala ng mga lindol mula sa bulkan simula alas-kuwatro ng hapon noong Linggo, Hunyo 21.

Pinaalala naman ng Department of Science and Technology (DOST)-Phivolcs, na nasa alert level 1 pa rin ang Mt. Kanlaon pero nagbabala na ito sa mga pamahalaang lokal na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa four kilometer radius permanent danger zone ng bulkan dahil sa ipinapakitang aktibidad nito ngayon. (Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *