Negosyante binoga sa Maynila

Trigger happy nakapatay ng 3, sugatan ang 6 sa Rizal

PINAGBABARIL ng tatlong suspek na nakasakay sa dalawang motorsiklo ang 54-anyos na negos­yane sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng umaga.

negosyante binoga sa maynila - Negosyante binoga sa Maynila
baril 5 - Negosyante binoga sa Maynila

PINAGBABARIL ng tatlong suspek na nakasakay sa dalawang motorsiklo ang 54-anyos na negos­yane sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng umaga.

Nasa ligtas nang kalagayan ang biktima na si Pedro Nolledo y Balderama, taga-Payatas, Quezon City na nagtamo ng apat na tama ng bala sa katawan.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang nabanggit na insidente alas-5:45 ng umaga sa panulukan ng C.M. Recto Avenue at Rizal Avenue.

Sinabi ni Cherry Cabaldo, 26, kinakasama ng biktima, nakasakay umano sila sa Mitsubishi L300 van na may plate number WAZ245 na minamaneho ng biktima.

Pagsapit sa lugar nakarinig sila ng sunod-sunod na putok habang nakahinto ang sasakyan at nakita na ang biktima na sumubsob at may tumulong dugo sa ulo.

Kaagad namang isinugod ang biktima sa pagamutan.

Ayon kay Cabaldo, wala siyang alam na nakaaway ng kinakasama pero sinabi nito, na noong nakalipas na buwan ay nagkaroon ng hindi pagkakunawaan ang biktima at ang dati nitong kinakasama.

Inaalam naman ng pulisya kung may kina­laman ang dati nitong kinakasama sa tangkang pagpatay sa biktima. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *