Negosyante binoga ng tandem

TUMIMBUWANG sa loob ng kanyang tindahan ang isang ginang matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek na lulan ng motorsiklo sa Gumaca, Quezon kamakalawa.

The post Negosyante binoga ng tandem appeared first on Abante News Online.

negosyante binoga ng tandem - Negosyante binoga ng tandem
baril 3 - Negosyante binoga ng tandem

TUMIMBUWANG sa loob ng kanyang tindahan ang isang ginang matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek na lulan ng motorsiklo sa Gumaca, Quezon kamakalawa.

Batay sa report ng Gumaca Police, dead on-the-spot ang biktimang si Yolanda Reocasa Salvacion, 57-anyos dahil sa tama ng bala ng kalib­re .45 baril.

Batay sa imbestigasyon, nasa loob ng kanyang tindahan ang biktima bandang alas-siyete nang umaga nang huminto sa harapan ang motorsiklong sinasakyan ng mga suspek.

Bumaba ang backrider at malapitang binaril ang biktima at saka mabilis ding tumakas.
Patuloy pang iniimbestigahan ang kaso. (Ronilo ­Dagos)

The post Negosyante binoga ng tandem appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *