NCRPO todo alerto sa Simbang gabi

Inalerto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director P/BGen. Vicente Danao ang mga hepe ng limang distrito ng pulisya sa Metro Manila kaugnay sa seguridad na ipatutupad sa pagsisimula ng tradisyunal na Simbang Gabi bukas.

The post NCRPO todo alerto sa Simbang gabi first appeared on Abante.

ncrpo todo alerto sa simbang gabi - NCRPO todo alerto sa Simbang gabi
abante simbang gabi 2 - NCRPO todo alerto sa Simbang gabi

Inalerto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director P/BGen. Vicente Danao ang mga hepe ng limang distrito ng pulisya sa Metro Manila kaugnay sa seguridad na ipatutupad sa pagsisimula ng tradisyunal na Simbang Gabi bukas.

Kasabay nito ay tiniyak ni Danao na palalakasin nila ang police visibility sa mga simbahan at iba pang lugar tulad ng mga bus terminal, mall, pook pasyalan at iba pang matataong lugar.

Ani Danao, may sapat na bilang ng mga pulis ang ikakalat ng Manila Police District (MPD), Quezon City Police District (QCPD), Southern Police District (SPD), Northern Police Disrrict (NPD) at Eastern Police District (EPD) sa paligid ng mga nasasakupan nilang simbahan para sa seguridad ng mga mananampalataya. Dagdag ng opisyal, tuloy-tuloy din ang mga ginagawa niyang sorpresang inspeksyon sa mga presinto para masigurong nagta-trabaho ng maayos ang mga pulis.

Kasabay nito ay pinayuhan ng opisyal ang publiko na maging alerto sa lahat ng oras upang hindi maisahan ng mga masasamang elemento. (Mia Billones)

The post NCRPO todo alerto sa Simbang gabi first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *