NCRPO makikipagtulungan sa China vs Chinese prostitutes sa Metro Manila

Nakatakdang makipagpulong ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa kanilang counterpart sa China upang maresolba ang problema ng human trafficking ng mga Chinese national na ginagawang prostitutes sa Metro Manila.

ncrpo makikipagtulungan sa china vs chinese prostitutes sa metro manila - NCRPO makikipagtulungan sa China vs Chinese prostitutes sa Metro Manila
ncrpo 1 - NCRPO makikipagtulungan sa China vs Chinese prostitutes sa Metro Manila

Nakatakdang makipagpulong ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa kanilang counterpart sa China upang maresolba ang problema ng human trafficking ng mga Chinese national na ginagawang prostitutes sa Metro Manila.

Ginawa ang pahayag na ito ni NCRPO Director Police Maj Gen Guillermo Eleazar, matapos ang sunod-sunod na pagsalakay sa ilang establisiyimento partikular na sa Makati at Parañaque City kamakailan, kung saan ibinubugaw ang mga babaeng Chinese national bilang mga prostitute sa kanilang mga kababayang lalaki.

Sinabi ni Eleazar, nakatakda siyang makipagpulong sa Oktubre 11 sa police attache’ ng China upang talakayin ang mga problema kaugnay dito.

Target umano nila na makipagtulungan sa mga Chinese authority upang hindi na makapagpatayo pa ng mga prostitution den ang mga Chinese sa Metro Manila. (armida d. rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *