NCRPO aprub sa DOH na mag-isyu COVID certification

Pinayagan ng Department of Health (DOH) ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na mag-isyu ng certification sa mga pulis na naging pasyente ng kanilang temporary treatment and monitoring facility.

The post NCRPO aprub sa DOH na mag-isyu COVID certification first appeared on Abante.

ncrpo aprub sa doh na mag isyu covid certification - NCRPO aprub sa DOH na mag-isyu COVID certification
ncrpo - NCRPO aprub sa DOH na mag-isyu COVID certification

Pinayagan ng Department of Health (DOH) ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na mag-isyu ng certification sa mga pulis na naging pasyente ng kanilang temporary treatment and monitoring facility.

Ayon kay Dr. Corazon Flores, officer-in-charge (OIC) ng DOH Metro Manila Center for Health Development, maganda ang ginawang hakbang ni NCRPO Director Police Major General Debold Sinas sa pagtatayo ng mga treatment facility sa loob at labas ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City.

Ito’y para mapangalagaan ang mga pulis na nahawaan COVID-19.

Sa kanyang pagbisita sa NCRPO noong Miyerkules, sinabi ni Flores na maayos ang kagamitan at mga nagbabantay ng itinayong pasilidad kung kaya’t walang dahilan upang hindi nila ito payagan na mag-isyu ng certification.

Dagdag pa ni Flores, inaasahan ng DOH na magtutuluy-tuloy ang maayos na palakad sa treatment facility ng NCRPO sa ilalim nang pangangasiwa ni Sinas.(Mia Billones)

The post NCRPO aprub sa DOH na mag-isyu COVID certification first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *