NCR quarantine pass ‘di na kailangan

Hindi na mandatory ang quarantine pass sa Metro Manila habang may general community quarantine (GCQ), ayon sa Metro Manila Council (MMC).

The post NCR quarantine pass ‘di na kailangan first appeared on Abante.

ncr quarantine pass di na kailangan - NCR quarantine pass ‘di na kailangan
abante quarantine pass 1 - NCR quarantine pass ‘di na kailangan

Hindi na mandatory ang quarantine pass sa Metro Manila habang may general community quarantine (GCQ), ayon sa Metro Manila Council (MMC).

Ngunit kapag may ordinansa pa ang local government unit ng siyudad ay kailangan pa rin itong dalhin.

“Opo, depende na lang po ‘yan sa bawat local government unit (LGU),” ani MMC chairperson at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez sa Teleradyo nitong Lunes.

“Pero kung meron pa po silang existing ordinance, hindi pa na-lift, pwede sila. Pero under GCQ guideline, hindi na po kailangan ng quarantine pass,” sambit niya pa.

Matatandaang una nang tinanggal ang mandatory quarantine pass sa NCR nang ipatupad ang GCQ sa rehiyon.

Pero nang ibalik sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila mula Agosto 4 hanggang 18 ay muling pinatupad ang paggamit nito. (SDC)

The post NCR quarantine pass ‘di na kailangan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *