NCR pwede na MGCQ sa Nobyembre – Metro Mayor

Naniniwala ang Metro Manila Council (MMC) na binubuo ng 17 alkalde sa National Capital Region (NCR) na maaari nang ibaba sa pinakamaluwang na quarantine status ang rehiyon sa Nobyembre kapag tuluy-tuloy ang pagbaba ng mga COVID-19 case dito.

The post NCR pwede na MGCQ sa Nobyembre – Metro Mayor first appeared on Abante.

ncr pwede na mgcq sa nobyembre metro mayor - NCR pwede na MGCQ sa Nobyembre – Metro Mayor
abante ncr 2 - NCR pwede na MGCQ sa Nobyembre – Metro Mayor

Naniniwala ang Metro Manila Council (MMC) na binubuo ng 17 alkalde sa National Capital Region (NCR) na maaari nang ibaba sa pinakamaluwang na quarantine status ang rehiyon sa Nobyembre kapag tuluy-tuloy ang pagbaba ng mga COVID-19 case dito.

Sinabi pa ni MMC chairperson at Parañaque Mayor Edwin Olivarez ngayong Miyerkoles na puwedeng magng modified general community quarantine (MGCQ) ang Metro Manila kapag tumaas din ang recovery rate sa rehiyon hanggang sa dulo ng Oktubre.

“Kung magtutuluy-tuloy po itong ating trend, itong pagbaba ng ating cases at ‘yung recovery natin umaabot na ng more than 90% ‘yung ilang LGU (local government unit) natin sa recovery at ipapagpatuloy natin ‘yung ating pagdisiplina sa ating mga constituents, palagay ko po baka itong katapusan ng October na ito matatapos natin ang GCQ at hopefully, with God’s grace itong darating na November baka mag MGCQ na tayo sa pahintulot ng ating mahal na Presidente,” wika ni Olivarez sa Laging Handa public briefing, Setyembre 30.

Matatandaang pinasya ni Presidente Rodrigo Duterte na isailalim ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa sa GCQ hanggang Oktubre 31, 2020. (RC)

The post NCR pwede na MGCQ sa Nobyembre – Metro Mayor first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *