NCR pumapalo pa rin kaso ng virus infection

Nasa 209,544 na ang bilang ng mga indibidwal na nagpositibo sa COVID-19 hanggang alas-kuwatro ng hapon nitong Biyernes, Agosto 28, ayon sa Department of Health (DOH).

The post NCR pumapalo pa rin kaso ng virus infection first appeared on Abante.

ncr pumapalo pa rin kaso ng virus infection - NCR pumapalo pa rin kaso ng virus infection
ncr 1 - NCR pumapalo pa rin kaso ng virus infection

Nasa 209,544 na ang bilang ng mga indibidwal na nagpositibo sa COVID-19 hanggang alas-kuwatro ng hapon nitong Biyernes, Agosto 28, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa inilabas ng DOH na COVID-19 Case Bulletin No. 167, nakapagtala pa ng 3,999 panibagong kaso ng virus sa bansa.

Sa mga bagong kaso, sa National Capital Region (NCR) pa rin ang may pinakamataas na virus infection na umabot sa 2,097; Laguna, 178; Cavite, 138; Batangas, 132; at Cebu, 125.

Nasa 71,745 ang naitalang aktibong kaso.

Nalaman na may 510 pang kaso ang naitala ng DOH na nakarekober sa sakit kaya nasa 134,474 ang kabuuang bilang ng gumaling sa COVID-19.

Habang nadagdagan pa ng 91 ang bilang ng mga namatay sa virus na umabot na sa kabuuang 3,325.(Juliet de Loza-Cudia)

The post NCR pumapalo pa rin kaso ng virus infection first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *