NCR naka-red alert kasunod ng Sulu bombing

MAS marami at mas mahigpit na checkpoints ang ikakasa ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) makaraan ang deklarasyon ng “full alert status” dahil sa naganap na mga pagsabog sa Sulu at paghahanda sa darating na State of the Nation Address (SONA).

The post NCR naka-red alert kasunod ng Sulu bombing appeared first on Abante News Online.

ncr naka red alert kasunod ng sulu bombing - NCR naka-red alert kasunod ng Sulu bombing
ABANTE alert - NCR naka-red alert kasunod ng Sulu bombing

MAS marami at mas mahigpit na checkpoints ang ikakasa ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) makaraan ang deklarasyon ng “full alert status” dahil sa naganap na mga pagsabog sa Sulu at paghahanda sa darating na State of the Nation Address (SONA).

Sinabi ni NCRPO Director P/Major General Guillermo Eleazar na ang pagtataas sa alert status sa Metro Manila ay bilang “proactive measure” makaraan na walo ang nasawi at 12 ang sugatan sa pagsabog sa Indanan, Sulu.

Nilinaw naman ni Eleazar na wala naman silang nakikitang banta sa NCR.
Epektibo ang “full alert status” dakong alas-sais nang gabi nitong Biyernes.

Hiniling ng opisyal sa publiko na maging alerto at mapagmatyag at iulat kung may naganap na insidente o pinaghihinalaang tao ay puwede pong tumawag sa hotlines ng NCRPO 0915-888-8181, 0999-901-8181.

Bukod pa dito, inumpisahan na rin ng NCRPO ang preparasyon sa paglalatag ng seguridad sa darating na SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 22.
Tiniyak ni Eleazar na personal niyang pamamahalaan ang preparasyon at operasyon upang masiguro na magiging mapayapa ang SONA.

Kabilang sa paghahanda ang pakikipagpulong sa mga lider ng mga anti at pro-Duterte group upang mapakiusapan sa limitasyon ng kanilang demonstrasyon. (Armida Rico)

The post NCR naka-red alert kasunod ng Sulu bombing appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *