NCR GCQ pa more, curfew pinaiksi

Inirekomenda ng 17 alkalde sa Metro Manila ang pagpapalawig ng general community quarantine (GCQ) mula Setyembre 1 hanggang Setyembre 15.

The post NCR GCQ pa more, curfew pinaiksi first appeared on Abante.

ncr gcq pa more curfew pinaiksi - NCR GCQ pa more, curfew pinaiksi
gcq 1 1 - NCR GCQ pa more, curfew pinaiksi

Inirekomenda ng 17 alkalde sa Metro Manila ang pagpapalawig ng general community quarantine (GCQ) mula Setyembre 1 hanggang Setyembre 15.

Ayon kay Metro Manila Council Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, nagkakaisa silang mga alkalde nang isumite ang rekomendasyon sa anim na miyembro ng COVID-19 task force noong Linggo ng gabi.

Isinumite ng task force kay Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon para sa pinal nitong desisyon kagabi matapos ang pakikipagpulong sa Inter-Agency Task Force(IATF).

Idinagdag ni Olivarez na nagkaisa rin ang mga alkalde sa 16 lungsod at isang bayan sa Metro Manila na paikliin ang curfew sa kanilang mga lugar simula ngayong Martes para sa unti-unting pagbangon ng ekonomiya.

Gagawin na itong mula alas 10 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga mula sa dating alas 8 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga.(Mia b billones)

The post NCR GCQ pa more, curfew pinaiksi first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *