NCR evacuation center dinumog

Libo-libong katao ang namalagi sa mga evacuation center sa Metro Manila dahil sa hagupit ni bagyong Rolly nitong Linggo.

The post NCR evacuation center dinumog first appeared on Abante.

ncr evacuation center dinumog - NCR evacuation center dinumog
abante evacuation center - NCR evacuation center dinumog

Libo-libong katao ang namalagi sa mga evacuation center sa Metro Manila dahil sa hagupit ni bagyong Rolly nitong Linggo.

Abot sa 6,000 na residente ang inilikas sa barangay ng Poblacion at Cupang sa Muntinlupa.

Sa Maynila naman, nasa 4,000 ang evacuee na nilisan ang kanilang mga tahanang malapit sa mga dalampasigan.
Lampas 30 barangay naman sa Quezon City ang nilagay sa forced evacuation dahil sa pangamba ng matinding pagbaha dulot ng bagyo.

Sa Brgy. Santolan, Pasig, nasunod ang physical distancing para sa 400 residente na pansamantalang namalagi sa covered court.

Habang nananalasa si ‘Rolly’, itinaas sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 ang buong Metro Manila.

The post NCR evacuation center dinumog first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *