NCR balik- MECQ: Quarantine pass binalik, mass transport tigil

Ibinalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mas mahigpit na community quarantine ang Metro Manila at ilang kalapit lalawigan dahil sa tuloy na pagtaas ng COVID cases.

ncr balik mecq quarantine pass binalik mass transport tigil - NCR balik- MECQ: Quarantine pass binalik, mass transport tigil
abante mecq - NCR balik- MECQ: Quarantine pass binalik, mass transport tigil

Ibinalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mas mahigpit na community quarantine ang Metro Manila at ilang kalapit lalawigan dahil sa tuloy na pagtaas ng COVID cases.

Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Linggo ng gabi, muling inilagay ng Pangulo sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang National Capital Region (NCR), Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal simula Martes , August 4 hanggang August 18, 2020.

Sinabi ni Dr. Mario Panaligan, Pangulo ng Philippine College of Physicians na pagod na ang medical professionals sa mahigit apat buwang pag-asikaso sa mga tinamaan ng COVID-19 kaya dapat na muling higpitan ang community quarantine sa Metro Manila at sa mga high risk na lugar.

Sa ilalim ng MECQ, ang puwede lang lumabas ay mga essential workers at hindi maaaring lumabas ang kahit na sino, limitado muli ang mga sasakyan at hindi muli pupuwede ang dine-in sa mga kainan at restaurant.

Apektado rin ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT2) kaya inanunsyo ng Department of Transportation (DoTr) ang pansamantalang pagtigil sa operasyon ng MRT 3 at LRT 2 epektibo ngayong araw, Agosto 4 kasabay ng pagpapatupad ng MECQ.(Aileen Taliping/Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *