NBI sinampolan 3 clinic sa PhilHealth scam

Tatlong pribadong health facility sa Mindanao ang kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pangongolekta umano ng sobra mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

The post NBI sinampolan 3 clinic sa PhilHealth scam first appeared on Abante.

nbi sinampolan 3 clinic sa philhealth scam - NBI sinampolan 3 clinic sa PhilHealth scam
abante nbi 1 - NBI sinampolan 3 clinic sa PhilHealth scam

Tatlong pribadong health facility sa Mindanao ang kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pangongolekta umano ng sobra mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Kinumpirma ni PhilHealth president at chief executive officer Dante Gierran na kabilang sa kinasuhan ang tatlong healthcare provider sa Zamboanga del Norte, Koronadal City, at Davao del Norte.

“All these involve the very core of the alleged fraud committed against PhilHealth involving `yong tinatawag nila na upcasing, upcoding, upbilling and the rest,” ayon kay Gierran.

Nabatid na may kaugnayan din ito sa kasong isinampa laban sa mga opisyal ng PhilHealth hinggil sa Interim Reimbursement Mechanism (IRM) scheme.

Sa naturang modus, pinapalitan ang diagnosis condition ng pasyente para makakolekta ng mas malaking halaga sa PhilHealth.(Juliet de Loza-Cudia)

The post NBI sinampolan 3 clinic sa PhilHealth scam first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *