NBI may 4 suspek sa Justice Pizarro slay

Mayroong apat na person of interest na tinututukan ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa brutal na pagpaslang kay retiradong Court of Appeals Associate Justice Normandie Pizarro.

The post NBI may 4 suspek sa Justice Pizarro slay first appeared on Abante.

nbi may 4 suspek sa justice pizarro slay - NBI may 4 suspek sa Justice Pizarro slay
abante NBI - NBI may 4 suspek sa Justice Pizarro slay

Mayroong apat na person of interest na tinututukan ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa brutal na pagpaslang kay retiradong Court of Appeals Associate Justice Normandie Pizarro.

Natagpuang patay noong Oktubre 30, 2020 sa isang bakanteng lote sa Capas, Tarlac si Pizarro.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, na isa sa apat na person of interest ay nakahandang ibunyag ang nalalaman sa pagpaslang kay Pizarro.

Dagdag ni Guevarra, nagpapatuloy ang case build-up at imbestigasyon sa pagkamatay ni Pizarro.

Samantala, kinumpirma niya na 99.9% DNA matched ang lumabas sa report ng NBI forensic chemistry division sa ginawang eksaminasyon sa bangkay at napatunayang si Pizarro.

Hindi umano nakilala kaagad na si Pizarro ang bangkay dahil putol ang mga daliri nito at wala ang isang kamay nang matagpuan.

Matatandaan na kabilang sa mga kasong hinawakan ni Pizarro ang ‘pork’ barrel scam ni Janet Lim Napoles at kasong murder na isinampa kay dating Palawan Governor Joel Reyes. (Juliet de Loza-Cudia)

The post NBI may 4 suspek sa Justice Pizarro slay first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *