Navy officer sumalpok sa bus, todas

Nasawi ang ang isang miyembro ng Philippine Navy makaraang bumangga sa isang bus sa kahabaan ng Barangay Antipolo, San Antonio, Zambales kamakalawa nang gabi.

navy officer sumalpok sa bus todas - Navy officer sumalpok sa bus, todas
dead 13 - Navy officer sumalpok sa bus, todas

Nasawi ang ang isang miyembro ng Philippine Navy makaraang bumangga sa isang bus sa kahabaan ng Barangay Antipolo, San Antonio, Zambales kamakalawa nang gabi.

Ayon sa pulisya, ang Victory Liner bus na may plate number na AAQ2960 ay nasa linya pa-timog habang ang Kia Pride Sedan na may plakang THL 617 ay pahilaga, nang salubungin ng huli at kinain ang linya ng bus.

Kinilala ang driver ng kotse at nasawi na si F2DC Joseph Bill Ignacio, 26-anyos, taga-Zamboan­ga City, at miyembro ng Philippine Navy. Nagtamo ito ng pinsala sa ulo dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Dinala naman sa munisipyo ang bus at driver nito na nakilala si Joseph Mentor, para sa dokumentasyon at tamang disposisyon nito.
Wala namang napaulat na nasaktan sa mga pasa­hero ng bus. (Randy Datu)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *