Navotas may libreng COVID test sa mga private worker

Oobligahin ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang mga pribadong kompanya na isailalim sa free COVID-19 test ang lahat ng kanilang empleyado upang mabatid kung sino sa kanila ang positibo sa virus.

navotas may libreng covid test sa mga private worker - Navotas may libreng COVID test sa mga private worker
swab 1 - Navotas may libreng COVID test sa mga private worker

Oobligahin ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang mga pribadong kompanya na isailalim sa free COVID-19 test ang lahat ng kanilang empleyado upang mabatid kung sino sa kanila ang positibo sa virus.

Matutulungan umano nito ang mga kompanya sa gastusin dahil umaabot sa P8,000 ang gastos kada indibiduwal sa pagpapa-swab test.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, importante na ma-swab test ang mga empleyado bago pabalikin sa trabaho lalo na ang mga hindi taga-Navotas sapagkat maaari nilang mahawaan ang mga kasamahan nila na lehitimong taga lungsod.

“Ang ating lungsod, sa tulong ng ating pamahalaang nasyonal, ay naghahandog ng libreng swab test sa mga residente. Bukas din ito para sa lahat ng mga kumpanya na nais ipa-test ang kanilang mga kawani, Navoteño man sila o hindi,” sabi ni Tiangco.

Ang mga interesadong kompanya ay maaaring makipag-ugnay sa City Business Permits and Licensing Office at sa Public Information Office.

Sa ngayon nagpapadala ang Navotas ng 1,000 residente araw-araw sa Palacio de Maynila sa Malate para sa swab test.

Karagdagang 1,000 naman bawat araw ang sumasailalim sa test sa mga designated testing facilities sa Navotas habang nakataas ang lockdown sa lungsod. (Orlan Linde)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *