Naunahan sa urinal, opisyal nanigaw

kartada

SA harap ng camera ay cool na cool itong isang opisyal ng Malacañang lalo na kapag nagpapabida sa media.

The post Naunahan sa urinal, opisyal nanigaw appeared first on Abante News Online.

naunahan sa urinal opisyal nanigaw - Naunahan sa urinal, opisyal nanigaw
kartada11 - Naunahan sa urinal, opisyal nanigaw

SA harap ng camera ay cool na cool itong isang opisyal ng Malacañang lalo na kapag nagpapabida sa media.

Pero behind the camera ay mabilis pala itong maimbiyerna at maubusan ng pasensya.

Tinarayan kasi ni Mr. Official ang isang lalaki na nakasabay nito sa loob ng comfort room ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Habang nakapila sa palikuran ay nasingitan ang opisyal.

Nagngingitngit ang opisyal matapos mag-overtake ang isang lalaki na tila ihing-ihi na.

Kitang-kita kung paano naging mahadera ang naturang opisyal matapos magtaas ng kilay ay binulyawan ang lalaki.

Nataranta naman ang lalaking sinigawan at dahil napahiya na ito ay nagmamadali na lamang lumabas at marahil ay naghanap ng ibang CR.

Pinta­han n’yo na. Matanda na ang naturang opis­yal pero daig pa ang mga millennial kung makaporma. May letrang ‘S’ sa pangalan nito as in Mr. Sungit o suplado sa personal. (Aries Cano)

The post Naunahan sa urinal, opisyal nanigaw appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *