Nauhaw sa alak nagnenok sa 7-Eleven

KALABOSO ang 40-anyos na lalaki nang mahuling nagnakaw ng alak at pulutan sa isang convenience store sa Barangay Kapitolyo, Pasig City Sabado nang umaga.

nauhaw sa alak nagnenok sa 7 eleven - Nauhaw sa alak nagnenok sa 7-Eleven
ABANTE alak 1 - Nauhaw sa alak nagnenok sa 7-Eleven

KALABOSO ang 40-anyos na lalaki nang mahuling nagnakaw ng alak at pulutan sa isang convenience store sa Barangay Kapitolyo, Pasig City Sabado nang umaga.

Kinilala ang suspek na si Irwin Ognilla, residente ng Pasig City.

Ayon sa salaysay ng kahera na si Glenda Pinangay, 24-an­yos, naganap ang insidente alas-7:05 nang umaga sa loob ng 7-Eleven sa Shaw Boulevard corner Pioneer Street. Napansin umano niya ang kahina-hinalang kilos ng suspek.

Kumuha ito ng isang bote ng Napoleon Brandy na nagkakahalaga ng P345 at isang Clover chips na nasa P36 at pasimpleng la­labas na sana ng tindahan nang sitahin ni Pinangay at agad na tumakbo.

Nagawang ha­bulin ni Pinangay ang suspek at agad na humingi ng tulong sa pulis­ya. Naaresto ang suspek at nang kapkapan ay nakuha­nan pa ng isang plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Kasalukuyang nakakulong sa Pasig detention cell ang suspek at nahaharap sa kasong theft at pag­labag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *