Nationwide protest vs coal isinagawa ng environmentalist

Nakiisa ang Power for People Coalition (P4P), mga environmentalist, residenteng naninirahan sa mga coal-affected community, church group, at iba pang stakeholder sa milyong nagprotesta sa buong mundo upang tutulan ang paggamit ng coal o karbon bilang enerhiya sa bansa.

nationwide protest vs coal isinagawa ng environmentalist - Nationwide protest vs coal isinagawa ng environmentalist
ABANTE coal 1 - Nationwide protest vs coal isinagawa ng environmentalist

Nakiisa ang Power for People Coalition (P4P), mga environmentalist, residenteng naninirahan sa mga coal-affected community, church group, at iba pang stakeholder sa milyong nagprotesta sa buong mundo upang tutulan ang paggamit ng coal o karbon bilang enerhiya sa bansa.

Ayon kay P4P Convenor Gerry Arances, na nanguna sa libo-libong nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng Malacañang upang hilingin ang moratorium sa mga bagong coal plant at sa halip ay iutos ang full implementation ng Renewable Energy (RE) Law.

“We pay for coal with our money, our health, our environment, and our future. In return, we get unreliable energy and fat profits for owners of power companies. We want things to change, and we want it to change now,” giit ni Arances.

Ang massive protest ay sinuporta­han ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-National Secretariat for Social Action (NASSA), at National Secretariat for Social Action na mas kilalang Caritas Philippines.

Nagsagawa rin ng sabay-sabay na kilos protesta ang mga apektadong residente at katutubo sa La Union, Quezon, Palawan, Negros Occidental, Davao City, at mga coal-affected at coal-threatened community.

Ito ay upang mariing tutulan ang ‘technology neutral stance’ ni Department of Energy Secretary Al Cusi, na payagan ang pagtatayo ng mga bagong coal-fired po­wer plant na taliwas sa kautusan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na huwag umasa sa karbon at sa halip ay bumuo o idebelop ang renewable energy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *