National status ng PUP tinabla ni Duterte

IBINALIK ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado ang enrolled bill para gawing national university ang Polytechnic University of the Philippines o ang ‘An Act Amending Presidential Decree Number 1341, o ang Charter of the Polytechnic University of the Philippines’.

national status ng pup tinabla ni duterte - National status ng PUP tinabla ni Duterte
pup - National status ng PUP tinabla ni Duterte

IBINALIK ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado ang enrolled bill para gawing national university ang Polytechnic University of the Philippines o ang ‘An Act Amending Presidential Decree Number 1341, o ang Charter of the Polytechnic University of the Philippines’.

Sa veto message ng Pangulo sa liderato ng Senado, sinabi nitong kailangan pang ire-assess ang performance ranking ng PUP sa iba pang State University and College (SUC).

Ganito rin ang dapat gawin sa mga satellite campus nito kabilang na ang extension prog­ram na ipinatutupad bago ibigay ang hinihinging privileged status.

“It’s proposed designation as national polytechnic university needs to be reassessed in light of its current performance ranking among other SUCs.

The comparative performance of its satellite campuses and extension programs needs to be similarly evaluated before gran­ting the PUP system as a whole such privileged status,” anang veto message ng Pangulo.

Isa sa suliranin ni Pangulong Duterte kapag ibinigay ang status ng pagiging national university ng PUP ay ang fiscal impact nito sa gobyerno.

Nakasaad sa enrolled bill ang pagbibigay ng fiscal autonomy sa PUP na taliwas sa ipinatutupad na polisiya ng institutional autonomy sa lahat ng SUC.

“A reassessment is all the more needful considering that the enrolled bill provides for the grant of fiscal autonomy to PUP, which departs from the a­dopted policy of gran­ting only institutional autonomy to SUCs,” ang bahagi ng veto message ng Pangulo.

Kung sakaling naaprubahan ang enrolled bill ay magiging kahanay ng PUP ang University of the Philippines at Mindanao State University at iba pang unibersidad na mayroong fiscal autonomy.

(Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *