National ID system, makatutulong sa pagpapatupad ng vaccination program

KUMPIYANSA si San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes na makatutulong ang national ID system sa gagawing vaccination program ng gobyerno,.

The post National ID system, makatutulong sa pagpapatupad ng vaccination program first appeared on Abante.

national id system makatutulong sa pagpapatupad ng vaccination program - National ID system, makatutulong sa pagpapatupad ng vaccination program
national - National ID system, makatutulong sa pagpapatupad ng vaccination program

KUMPIYANSA si San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes na makatutulong ang national ID system sa gagawing vaccination program ng gobyerno,.

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Robes na mapabibilis ng national ID system ang pagbabakuna parrikular sa mga natukoy na prayoridad ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Inaasahang sa susunod na taon ay maipatutupad na ang pagbabakuna kasunod ng paggamit ng United Kingdom ng bakunang gawa ng Pfizer na aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) ng Amerika.

Dagdag niya, pinondohan na rin ng ibang bansa ang biometric digital ID para sa pagsisimula ng pagbabakuna kaya’t maaaring gamitin ng Pilipinas ang national ID system na gumagamit din ng teknolohiya ng biometric upang matiyak na lahat ay makakatanggap ng supply ng bakuna.

Inihayag pa ng kongresista na isang magandang ideya o “game changer” ang biometric digital ID sa pamamahagi ng bakuna lalu na’t napatunayan na ang pagiging epektibo nito ng 12 bansang gumamit ng nasabing teknolohiya.

“With the limited supply of initial Covid-19 vaccine, it is important that we have a system to identify the priority patients and make sure the vaccine reaches them. Our IATF should seriously consider facilitating the implementation of the national ID system as our biometric ID on the administration of the Covid 19 vaccine in order to identify and track patients even in rural and offline settings to ensure that everyone receives a Covid-19 vaccine,” giit ni Robes.

kabilang sa mga grupong prayoridad ba mabakunahan ang mga frontline health workers sa mga pampubliko at pribadong pagamutan, mga maralita, senior citizens, pulis, sundalo, mga guro at kawani ng pribado at pampublikong institusyon, persons deprived of liberty (PDL), people with disability (PWDs), OFWs at mga trabahador at estudyante.

Idinugtong niya na dapat ay walang maiiwan isa man sa ating kababayan sa paglaban sa Covid-19 kaya’t kailangan ang pagtutulungan ng bawa’t isa para matiyak na magkakaroon ang lahat ng mga nangangailangan nito.”ani Robes.

The post National ID system, makatutulong sa pagpapatupad ng vaccination program first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *